Chapter 13
Chapter 13
“ALERON?”
Nangingiting napamulat siya matapos marinig ang malambing na pagtawag na iyon ni Holly sa
pangalan niya. Sa pagbukas niya ng mga mata ay ang maamong mukha kaagad nito ang bumungad
sa kanya. Nakayuko sa kanya ang dalaga nang mga sandaling iyon habang nakahiga naman siya. Ang
mga hita nito ang pansamantalang naging unan niya.
Nahigit ni Aleron ang hininga sa sayang lumukob sa puso niya. Ni minsan ay hindi niya natandaang
naranasan niya ang magkaroon ng ganoong pakiramdam, ng ganoong uri ng kapayapaan na
tumatagos hanggang sa kaluluwa niya.
Nasa parke sila nang mga sandaling iyon ni Holly. Matapos masukatan ng traje de boda ang dalaga ay
doon na sila dumeretso. Kung hindi niya lang nakikitang pagod na ito ay sa ibang lugar niya sana ito
dadalhin at doon sila magpi-picnic. Ang kaso ay alam niyang wala pa halos pahinga si Holly dahil
magdamag nitong tinapos ang manuscript nito pagkatapos ay inasikaso pa nila ang ilang bagay
tungkol sa nalalapit nilang kasal. Kaya hindi na rin siya tumanggi nang isuhestiyon nitong sa parke sa
village nila na lang sila tumuloy.
“What is it?”
Holly gently cupped his face. “’Wag kang mawawala, ha? Hindi ko kaya. Dahil ikaw ang nobela ng
buhay ko. You’re my beginning, my middle and my ending. You are the pieces of every heroes that I
write. I can’t imagine my heroines without you.” Napailing pa si Holly. “I can’t imagine my life without
you.”
“Sir?”
Disoriented na bumalik ang mga mata ni Aleron sa kanyang harap nang marinig ang boses na iyon ng
executive assistant niyang si Luke. Napatingin siya sa mga inilapag nitong papeles sa center table.
Mayamaya ay napabuntong-hininga siya. “Sana ay tinawagan mo na muna ako bago ka pumunta rito. I
was about to go back home anyway. Hindi ko lang naipaalam sa ’yo kaagad dahil biglaan.”
“I’m sorry, sir.” Mapagkumbabang sagot ni Luke. “Dati-rati po kasi ay kabilin-bilinan ninyong dumeretso
na lang ako rito at huwag nang tumawag pa.”
“Right.” Napahawak si Aleron sa noo. “I forgot.”
Kung sabagay ay napakarami niya nang nalimutan simula nang umalis siya ng Pilipinas. Nalimutan
niya rin kung paano ibabalik sa dati ang buhay niya. Sa mismong araw dapat ng kasal niya ay ginamit
niya ang private plane niya patungong Jacksonville sa Florida kung saan nakatira ang ilan sa mga
kamag-anak ng ama. Doon siya nagtago. Pero kahit na kailan ay hindi siya nakahanap ng katahimikan
sa lugar na iyon. Dahil paulit-ulit siyang minumulto ng mga alaala ni Holly.
Eksaktong anim na buwan na sa araw na iyon mula nang dumating siya sa Jacksonville. But his heart
and soul were left in the Philippines, they were stuck there. Sinubukan ni Aleron na bigyan ng
pagkakataon noon si Holly para umamin pero hindi nito ginawa. Kaya doble ang baon niyang sakit
nang umalis ng sariling bansa. Tumuloy siya sa resort na pagmamay-ari ng pinsan niya roon. Araw-
araw, pakiramdam niya ay isa siyang zombie. Buhay ang katawan pero hindi ang puso.
Kung tutuusin, sobra-sobra ang sinapit nila ni Athan kay Holly kaya hindi niya maintindihan kung bakit
hinahanap-hanap niya pa rin ang dalaga, ang nag-iisang dalaga sa mundo na may kapasidad na
buhayin muli ang puso niya. Si Holly rin ang dahilan kung bakit babalik na siya sa Pilipinas
kinabukasan. Dahil sa kabila ng lahat ay gusto niya pa rin itong makita at mababaliw na siya ng tuluyan
kapag hindi niya pa nagawa iyon agad. Sinubukan niyang lumayo pero anim na bwan lang ang itinagal
niya. Ganoon siya katanga.
Mabuti na lang at maunawain ang mga empleyado niya sa Williams Group. Sa nakalipas na mga bwan
ay inihahatid mismo ng personal ng executive assistant niya ang lahat ng reports at dokumentong
kailangan niyang pirmahan.
“I came here not just for the monthly reports, sir. But also for these.” Mula sa attache case ay naglabas
si Luke ng isang puting sobre. “May limang bwan na daw po mahigit simula nang may isang babae na
nagpakilalang Hailey Lejarde na nag-abot niyan kay Ruth na sinadya kayo sa office nyo.” Tukoy ni
Luke sa executive secretary ni Aleron. “Pero noong isang araw lang po naalala ni Ruth. Ipinapaabot
niya po sa akin ang paghingi niya ng tawad, sir.
Inilagay niya daw po sa drawer niya ang sulat at nalimutan niya na daw pong ipaalala noong mga
nakaraang bwan dahil sa magkakasunod na meeting na inasikaso niya sa mga kliyente.” Napailing si
Luke. “Noong naghalungkat siya sa drawer niya ay saka niya lang daw po iyan natandaan.”
Kumunot ang noo ni Aleron. Inabot niya ang sobre mula kay Luke. Sa likod niyon ay may nakasulat na All content is property © NôvelDrama.Org.
Hailey Lejarde. Anong posibleng pakay sa kanya ng kapatid ni Holly? Kung mismong si Ruth ang
inabutan nito ng sobre, nangangahulugan iyon na alam ni Hailey kung saan naroroon ang main office
niya sa loob ng mall dahil doon rin nakabase ang opisina ng sekretarya niya. Maraming branch sa
Pilipinas ang Williams’ Mall pero sa Caloocan siya mismo nag-oopisina. Paano nalaman ni Hailey
iyon?
Sinenyasan ni Aleron na lumabas na muna si Luke bago niya binuksan ang sobre at binasa. Dalawang
puting papel ang mga iyon. Ganoon kahaba ang sulat.
Mr. Williams,
Nagtataka ka siguro kung paano ko nalaman ang main office mo. That’s because I know everything
about you. I got all the information from Celine, one of my friends. Her father, if you remember,
happened to be one of your company’s board members. Kaya bago ako pumasok sa buhay ni Athan,
alam ko na ang lahat tungkol sa kanya kahit hindi niya binanggit ang koneksyon niya sa ’yo o sa
negosyo nyo.
Yes, Mr. Williams. It was me who dated your brother. It was a lot to explain, really. I wanted to talk to
you in person the moment I came back in Manila but your secretary just won’t tell me where you are.
Kaya aasa na lang ako na sana ay buhay pa ako pagkatapos mo ‘tong mabasa para sa pagkakataong
iyon, tama ang taong masisisi mo, masusumbatan at mapaghihigantihan mo. I used Athan but then
again, I also used Holly. I was a bitch. My target was really your brother. I’m broke and I found out he’s
rich. Kahit nagkita na kami minsan sa bar, ni hindi niya ako makuhang tingnan bilang Hailey so I
pretended to be my twin.
Noong panahong iyon, nagrerebelde rin ako dahil hindi ko pa nakukuha ang mana ko at nagsara ang
mga negosyong binuksan ko. When Athan fell in love with me, with Holly that I supposed you thought I
was, he gave everything to me. Pero maniwala ka sanang siya lang ang una’t huling lalaki na ginawan
ko ng gano’n. Athan’s a nerd. He liked things that I don’t. Magkaiba ang mga interes namin sa buhay
pero minahal ko siya, Mr. Williams. Dahil marunong siyang magmahal. Kakaiba ang puso niya.
Ginusto ko nang aminin sa kanya ang totoo pero nalaman kong may sakit ako. I wanted to shield him
from the pain, that’s all I could ever think of at that moment. I have a terminal cancer. I used my friend
to get rid of him and then I went to the States to undergo treatments. Alam kong mahirap maintindihan
ang mga rason ko, patawarin mo ako. Even Holly wouldn’t understand this right away.
Hindi ko alam na nagpakamatay si Athan. Had I known, I would have left everything in L.A and be here
the moment I found out. Patawarin mo ako, Mr. Williams. Alam kong kulang na kabayaran iyon pero
kapag nagkita tayo, saka mo na lang ako bawian. But I assure you, Holly is innocent. She didn’t know
about Athan. Anuman ang mga sinabi niya sa ’yo, totoo lahat ‘yon. That’s Holly. She never lies.
Hindi na nagawang ituloy ni Aleron ang pagbabasa. Agad na bumalik sa isipan niya ang mga ngiti ni
Holly, ang mga emosyon sa mga mata nito, ang mga sinabi nito noong magkasama pa sila.
Napaawang ang bibig niya kasabay ng pag-uulap ng mga mata niya. Ibig sabihin ay… totoo ang lahat
ng iyon?
Pero sino ang lalaking nahuli niyang kahalikan ni Holly noong gabi bago ang kasal? Posible kayang si
Hailey uli ang babaeng iyon? Napatayo siya. Natetensyong naihilamos niya ang palad sa mukha.
God... Paano kung totoong mahal siya ni Holly at nagkamali nga lang siya ng hinala dahil nagkataong
ibang babae ang pagkakakilala ni Athan kay Hailey? Anong gagawin niya?
INISANG-LAGOK lang ni Holly ang lamang alak sa kanyang baso habang pinanonood ang
nagkakasiyahang mga kaanak sa paligid. Nang may dumaang waiter ay kumuha pa siya ng
panibagong wine glass. Silver wedding anniversary ng tito Rony at tita Janet niya nang araw na iyon.
Nakababatang kapatid ng kanyang ama si Rony.
Nagmukhang reunion na ng buong angkan ng Lejarde ang selebrasyong iyon. Ngayon na lang sila
nagkita muli matapos ng libing ni Hailey may tatlong buwan na ang nakararaan. Hindi nakadalo ang
kanyang mga magulang kaya siya ang nagsilbing representative ng kanyang pamilya. Mahigit isang
linggo nang nasa England ang mga magulang ni Holly para magbakasyon. Inalok siyang sumama ng
mga ito pero nagpaiwan siya dahil hindi siya nakakasiguro kung gusto nga ba siyang makasama ng
mga ito.
Hawak na ng ama ang oras nito. Ibinenta na nito sa ama ni Cedrick ang kalahati ng shares nito sa
kompanya kaya shareholder na lang ito. Ang ama na ni Cedrick ang tuluyang namamahala roon.
Simula nang yumao si Hailey ay napilitan siyang sa mansyon na muna nila manirahan sa pakiusap ng
mga magulang. Pero hindi sila nagkaroon ng pagkakataong makapag-usap dahil para bang iniiwasan
siya ng mga ito sa hindi niya malamang dahilan. Bahagyang naghigpit ang mga ito sa kanya pero
hanggang doon na lang iyon. Binigyan siya ng mga ito ng driver cum body guard sa bawat pupuntahan
niya.
Her parents in a way had become paranoid. At nauunawaan niya naman iyon lalo na ngayong siya na
lang ang natitira sa mga ito. Ang hindi niya lang maunawaan ay ang kakaibang kalamigang ipinakikita
ng mga ito sa kanya. Napabuntong-hininga siya.
Why do I keep witnessing miracle happen to almost everyone around me except to me? Puro
matagumpay ang mga pagsasama ng mga elders kung ituring sa angkan ng mga Lejarde. Hayun nga
at nasasaksihan pa iyon ni Holly nang mga sandaling iyon. May favoritism ba ang mga kupido?
Mayamaya ay napailing siya. Siguro ay hindi lang talaga para sa kanya ang pag-ibig.
Kumunot ang noo niya nang makita si Valeen, ang anak ng tito Rony niya, na papunta sa tabing-dagat,
malayo sa lahat. Nag-iisa lang ito roon. Mula sa kinauupuan ay tumayo si Holly at sinundan si Valeen
dala ang kanyang wine glass, tutal ay hindi na rin naman siya komportable sa mga nangyayari sa
paligid. Gusto niyang magsaya, gusto niyang makisaya dahil ganoon ang dating Holly, ganoon ang
pagkakakilala niya sa sarili. Pero kahit katiting na saya ay wala siyang makapa sa puso niya.
Naglalakad na siya papunta kay Valeen nang mayroon pang mga pinsan niya na sumabay sa kanya.
Sina Julienne, Clover, Zai at Jazeel ang mga iyon. Marahang nginitian niya ang huli. Hindi na sila
nagkaroon pa ng pagkakataong makapag-usap ni Jazeel noong mga nakaraang bwan dahil hindi pa
siya handang buksan ang damdamin. But Jazeel, being her best friend and cousin rolled into one,
understood. Alam niyang gaya ng dati ay naghihintay lang itong maglahad siya rito.
Inakbayan ni Holly si Valeen nang makalapit siya rito. Mas bata ito ng ilang taon sa kanya. Halos
pareho sila ng naging sitwasyon nito pagdating sa mga lalaking minahal nila. Mukhang sa mga
magulang na nila natapos ang swerte ng mga Lejarde sa paghahanap ng mga taong mamahalin.
Inabutan ni Clover ng alak si Valeen. “Masyado ka yatang seryoso?”
“I just thought that this is a nice place for pictorials.” May-ari ng isang lingerie shop si Valeen at kasama
sa mga ginagawa nito ang maghanap o magsuhestiyon ng lokasyon para sa mga nagmomodelo ng
idinidisenyo nito.
Napatingin si Holly sa dagat. Totoo ngang maganda at kaakit-akit ang lugar. Isa iyon sa mga
pagmamay-ari ng pamilya ni Valeen. Pero sa kabila ng isinagot nito ay hindi pa rin siya kumbinsido.
Dahil kung ano mismo ang nakikita niya sa mga mata ng pinsan nang mga sandaling iyon ang siya ring
nakikita niya sa mga mata niya tuwing humaharap siya sa salamin. At alam niyang gaya niya ay
nakakahalata rin ang ibang mga pinsan.
“Really? O baka naman may naaalala ka lang?” Ani Julienne.
“Ako lang ba ang may naaalala?” Balik-tanong ni Valeen.
Natahimik silang lahat. Mukhang pare-pareho ang mga bumabagabag sa kanila. Kung sabagay ay
hindi rin kaila kay Holly ang kanya-kanyang mga pinagdaanan ng mga pinsan pagdating sa pag-ibig
kung paanong hindi rin kaila sa mga ito ang nangyari sa sarili niyang kasal. Nagkataong silver wedding
anniversary pa ang dinaluhan nila. Iwasan man nila ay pilit pa ring bumabalik ang mga hindi
magagandang alaala.
“May tanong ako.” Basag ni Valeen sa katahimikan mayamaya. “What if the ghost of our past comes
back to life? What will you do?”
“Nothing.” Naunang sumagot si Clover sabay ismid. “Wala akong gagawin dahil wala na siyang
babalikan.”
“From that day, I promised myself that I will never go back to my past, that painful past.” Wika naman ni
Jazeel. Napalingon si Holly rito, bakas rin ang sakit sa anyo nito. Bumitiw siya kay Valeen. Sandaling
inabot niya ang isang palad ni Jazeel at marahang pinisil iyon para tahimik na iparamdam ang
pagdamay niya.
“Why would I settle for less if I can find someone better?” Parang balewala namang sinabi ni Zai. “Alam
mo kasi, ang ex, hindi na binabalikan. Pinapalitan na lang.”
Ilang segundong nahulog sa malalim na pag-iisip si Holly. Sana ay kaya niyang maging kasing-
kalmado ni Zai o maging kasing-tigas ng mga pinsan. Dahil siya, kahit ang isipin ang posibilidad na
babalik isang araw si Aleron ay hindi niya magawa. Lahat ng multo ay nakakatakot lalo na ang multo
ng nakaraan. Isipin niya pa lang ay parang mababasag na siya lalo na at ilang bwan pa lang ang
nakalilipas simula nang hindi siya siputin ni Aleron sa harap ng altar.
But the pretender that she had become, said something else. “Magsu-super saiyan ako. I will break all
his bones into pieces.”
Napailing si Valeen.
“The past is a big part of me. I can say na hindi ako basta-basta makakalimot roon.” Ani Julienne
kasabay ng pagtingin nito sa itim na damit na umaagaw ng atensyon sa mga nakisaya sa selebrasyong
iyon. Ito lang ang namumukod-tanging nakasuot ng itim na damit sa kasiyahang iyon. Mabuti pa si
Holly at nagawang mag-kulay kremang bestida kahit paano. Ganoon parati kung manamit si Julienne,
nakaitim na para bang araw-araw ay may pinagluluksa.
“But if we’re talking about some relationship with a guy in our past, what’s there to do with him?
Napakabata ko pa noon. And if maybe some people will call me bitter, well then, I am now wiser.
Syempre, ‘di ko na babalikan ang relasyon na tanging ako lang ang nagmahal.”
Natawa si Valeen. “Serious talaga ‘tong usapang past natin, ha? Let’s make a promise. Kahit na ano
ang mangyari, kahit malabo naman na bumalik pa sila, isumpa natin sa isa’t isa na hindi na natin sila
tatanggapin pa sa mga buhay natin.”
Nakangiting tumango ang mga pinsan ni Holly. Itinaas pa ng mga ito ang kanya-kanyang wine glass.
Nakisunod na lang siya sa agos gaya ng nakasanayan niya na sa nakalipas na mga bwan.
“Hinding-hindi na!” Halos sabay-sabay pa na sigaw nila.
“Hey! Seryosong usapan ‘to, ha?” Paalala pa ni Valeen. “We’ll never let our hearts get broken again
with the same man. At dahil seryosong usapan ‘to, may parusa dapat ang susuway.”
“Okay, ano ang parusa?” Tanong ni Zai.
“I won’t wear black anymore.” Mabilis na sagot ni Julienne na ikinatawa ni Valeen.
“I love keeping my hair long. Pero sige, magpapa-pixie cut talaga ako kapag sumuway ako.” Sabi
naman ni Valeen.
“Isa-sang tabi ko na ang mga signature clothes ko. I’ll go to Divisoria to shop. Magko-commute lang din
ako para masiyahan naman kayo.” Ani Zai.
Nagkatawanan ang mga pinsan niya. Si Holly man ay hindi napigilan ang mapangiti. Alam niyang likas
na mahilig sa mga mamahaling bagay si Zai.
“Free na ang flower arrangement para sa kasal ng isang kliyente ko.” Sabi ni Jazeel.
“Stop being kuripot.” Tukso ni Valeen. “Isa lang talaga?”
“Hey! Kasal iyon, maraming bulaklak ang pinag-uusapan natin.” Giit ni Jazeel.
Sinaid ni Holly ang laman ng kanyang wine glass. “Make it ten.” Mayamaya ay wika niya.
Napakatahimik at pribadong tao ni Jazeel. Bihira itong sumali sa mga ganoong usapan kaya
sasamantalahin niya na.
Nanlaki ang mga mata ni Jazeel. “What?”
“Sige na, Jazeel. Parusa nga, ‘di ba?” Ani Zai. Sa huli ay parang napipilitang tumango na lang si
Jazeel.
“Mag-i-sky diving ako!” Singit ni Clover na alam naman nilang lahat na may fear of heights.
Napatingin kay Holly ang lahat nang siya na lang ang hindi pa sumasagot. Mayamaya ay nakiki-ride on
na nagkibit-balikat na lang siya. “Ipapamigay ko lahat ng paborito kong libro sa mga readers ko kapag
hindi ako tumupad sa usapan natin.” Mahilig siya sa mga libro. Mayroong mataas na book shelf sa
townhouse niya pati na sa mansyon ng mga magulang na puro mga koleksyon niya lang ang laman.
“Okay, we have a deal?” Malapad ang ngiting tanong ni Valeen.
“Deal!” Sagot nilang lahat.
Nang mapag-isa ay tinapik ni Holly ng malakas ang dibdib niya. “Nasaktan ka na. Dapat matatag ka
na. Kaya mo ‘yan, ‘di ba?” Parang baliw na pagkausap niya sa sarili. “Tandaan mo, hindi ka na dapat
magmahal. The last time you did, it broke you. At basag ka pa rin ngayon dahil doon.”