Her Name Is Monique

CHAPTER 30: Officially! Zairin Band Member



(Patty)

"Congratulations Princess!" sabay sabay na turan ng Zairin boys pagpasok ko pa lang sa pinto ng room namin.

"Para sa'yo Cutie Pie." singit naman ni kuya Niko at iniabot sa'kin ang isang nakabungkos na bulaklak.

"Congrats Pat-pat. Ang galing mo pero ang daya mo talaga." sabi naman ni kuya Vince at pinat ang ulo ko at bahagyang ginulo ang buhok ko.

Pasaway talaga. Ginaya tuloy ito ng iba pang Zairin boys. Wala, bruha na ako. Tumawa lang ang mga ito ng tingnan ko sila ng masama.

Hinanap ko si Prince ngunit wala siya doon. Siguro maya maya pa iyon.

"Teka! Ano pa lang meron?" nagtatakang tanong ko kay kuya Vince. "Bakit may pa-congratulations kayo at may pa-bulaklak pa?" natatawang tanong ko. "Hindi ka kasi um-attend ng announcement kahapon sa auditorium. It's official, ikaw na ang bagong member ng Zairin Band."

Naghiyawan ang mga ito na para bang mas masaya pa kaysa sa akin.

Napamulagat ako sa sinabi ni kuya Vince. "Seryoso?"

Tumango silang lahat habang nakangiting nakatingin sa akin.

"You deserve it kahit na itinago mo sa amin." turan naman ni kuya Yuki.

Hindi ko inasahan na mananalo ako. Sa totoo lang wala sana akong balak sumali kaso dahil kay Lina....

Lina.

Nakaramdam ako ng lungkot ng maalala si Lina. Paano ko siya haharapin? Paano ko uumpisahan na kausapin siya?

Kaya ba wala si Prince? Magkasama ba sila ni Lina ngayon?

"Hindi ka ba masaya Pat-pat?"

Nabalik dito ang atensiyon ko. "Naku! Masaya ako kuya Vince syempre. May naalala lang ako."

"Ikaw talaga, hilig mo kaming pakabahin."

"Bakit nga pala wala ka kahapon? Buti wala tayong special quiz sa last subs. natin."

"Patty's not feeling well kahapon." singit ni kuya Renz na kakapasok lang sa pinto. Napatingin ako dito at automatic akong napangiti. Lumapit ito sa akin at pinat ang ulo ko.

"Bakit ba late ka ngayon Renz? Hindi ka tuloy nakasama sa pag surprise kay Pat-pat kanina."

"I did some business today. Pasensya ka na Patty." seryoso nitong sagot.

Ako lang ba o sadyang masungit ang awra ngayon ni kuya Renz.

"Naku! Okay lang kuya Renz."

"Ba't ang sungit mo na naman Renz? Gutom ka na naman siguro." biro nila kuya Niko at kuya James dito.

Hindi naman sumagot si kuya Renz at iniwan kami malapit sa pinto at pumunta na ito sa upuan nito.

"May dalaw siguro 'yun."

Naulinigan ko pang turan ni kuya Sam.

'Bakit nga kaya? May problema ba siya?

Sumunod na lamang ako rito. Ipinatong ko sa table ko ang bulaklak na kipkip ko kanina. Marahan akong umupo para kasing ang awkward ng paligid, hindi ako sanay na ganito si kuya Renz. "Renz, dude, nasaan pala si Prince? Ma-le-late na siya."

Bungad ni kuya Vince kay kuya Renz na hindi man lang ito nilingon paglamit nito sa aming kinauupuan.

"Malay ko." pagsusungit nito.

"Ang sungit talaga nito."Content © copyrighted by NôvelDrama.Org.

Matapos iyon sabihin ni kuya Vince, umalis na rin ito.

"Kuya Renz..... May problema ka ba?" hindi na nakatiis na tanong ko.

Ramdam kong nag-aalinlangan ito. Hindi ko na lang sana ipipilit na magsabi siya sa'kin ngunit kumuyom ang kamao nito.

"Alam mo bang gusto kong sapakin si Prince ngayon." anito na gumalaw galaw ang panga.

Nanlaki ang mga mata ko.

"Huh! Teka! Nag-away ba kayo?"

Bigla naman pumasok ang taong pinag-uusapan namin.

This is not a good timing.

Seryosong tumingin si kuya Renz kay Prince na ngayo'y seryoso ring nakatingin kay kuya Renz.

Hala! Nag-away nga sila? Bakit?

Just a heads up: is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

Kumuyom muli ang mga kamao ni kuya Renz.

Magsusuntukan ba sila dito?

Kinakabahan ako. Alam ko any time sasapakin na ni kuya Renz si Prince na papalapit naman dito. Hindi ko alam kung ano bang pinag-awayan nila pero hindi naman dapat humantong pa sa sakitan physical. Hindi ako mapakali sa upuan kaya naman ng naroroon na si Prince sa tapat namin tumayo ako kasabay ni kuya Renz na tumayo rin.

"Wait!!!" sigaw ko.

Nakayuko kong pigil sa dalawa habang ang dalawang braso ko'y pumipigil sa mga ito. Nasa gitna ako ng dalawa na hindi ko alam kung mapipigilan ko kung sakali mang magsuntukan nga dahil pareho silang matangkad. Biglang tumahimik sa loob ng room namin. Nagtaka ako.

"Anong ginagawa mo Patty?" rinig kong tanong ni Prince.

Kaya naman dahan dahan kong ini-angat ang ulo ko. Kitang kita ang pagtataka sa mga mukha nila maging ng lahat ng Zairin boys.

May mali ba akong ginawa?

"Magsusuntukan kasi kayo ni kuya Renz, pinipigilan ko lang kayo."

"Huh? Kami?" -Prince

"Magsusuntukan?" -Kuya Renz

"Bakit?" tanong nilang dalawa na magkasabay.

Nagkatinginan ang dalawa saka bumaling sa'kin.

"Sabi mo kasi kanina kuya Renz gusto mong sapakin si Prince...... Kaya bigla akong inataki ng kaba ng magkakalapit na kayo.... akala ko magsusuntukan kayo. Hindi ba?" nakangiwing turan ko. Biglang bumunghalit ng tawa ang mga Zairin kasama na roon sila Prince at Kuya Renz.

Ano na naman bang katangahan ang ginawa ko?

Napakamot na lang ako sa batok. Dagdag kahihiyan na naman ito. Pangalawa na ito, ang una ay noong unang transfer ko dito tapos ngayon ito.

"Ang cute cute mo talaga Patty." nakangiting sambit ni kuya Renz saka kinurot ng marahan ang aking pisngi.

Napangiti ako kahit na hindi ko alam kung ano ba ang ginawa ko dahil nakangiti na si kuya Renz maging si Prince.

"Hoy! Prince, marami kang ipapaliwanag sa'kin mamaya. Subukan mong hindi at sasapakin talaga kita." sabi ni kuya Renz kay Prince na tinapik ito sa balikat.

Just a heads up: is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!

"Fine!" sagot naman ni Prince na umupo na sa upuan nito.

'Yun lang yun? Akala ko kasi magsasapakan sila kanina. Minsan, ang hirap espilengen ng mga lalake.

Napailing na lang ako.

"Congrats nga pala Patty. Ikaw ang bagong member ng Zairin. I'm looking forward sa mga magiging performance mo kasama namin." nakangiting turan ni kuya Renz at pinat ang ulo ko. "Congrats..... Patty."

Nawala ang mga ngiti ko ng marinig ko ang boses ni Prince. Lumingon ako sa likuran kung saan ito naroroon ngunit hindi na ito nakatingin sa akin. Busy ito sa pagkulikot sa cellphone nito. Nakaramdam ako ng lungkot dahil sa alaala na nangyare noong isang araw sa pagitan nito at ni Lina. Ayoko man pero nangangamba ako na baka naniniwala ito kay Lina.

"May sasabihin pala ako. Hindi na ako lilipat ng school. Pumayag na si mommy." masayang sabi ko sa mga ito.

"Totoo? Mabuti naman kung gano'n. Sayang naman kasi kung lilipat ka pa." sagot ni kuya Renz.

Ako lang ba o talagang parang hindi na sila nabigla ng sabihin kong hindi na ako lilipat ng school.

"May balak ka palang lumipat Cutie Pie? Pero buti hindi natuloy." singit ni kuya Niko.

"Totoo? Hindi ka na aalis Princess?" bungad ni kuya James.

Tumango naman ako bilang sagot.

"Yown! Hindi mawawalan ng prinsesa ang department natin."

Tuwang tuwa ang mga Zairin boys at pinag-initan na naman ang buhok ko.

"Excuse me. Pwede ko bang makausap si Prince?"

Tumahimik ang lahat at lumingon sa pinto kung saan naroroon si Lina.

Yung kirot na naramdaman ko noong makita ko sila na magkasama para mas lumala ngayon. Para iyong pinipiga ngayon. Nginitian ako ni Lina ngunit bakit parang gusto ko siyang awayin. Ang unfair! Bakit kaya nitong ngumiti na para bang wala itong ginawang hindi maganda sa akin.

Huwag kang lalapit Prince. Please..... Piping dasal ko.

Ngunit para akong pinagbagsakan ng langit at lupa ng tumayo si Prince sa likuran ko at pumunta sa pinto kung nasaan naroon si Lina. Naniwala siya.

Parang libo libong karayom ang tumusok sa puso ko dahil sa kirot na nararamdaman ko ng makita na lumabas si Prince kasama ni Lina.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.