Chapter 23: "Girlfriend" Daw
CHAPTER 23 Aleighn's POV
Dalawang ang araw lumipas magmula ng magtalo kami ni sir Craige dahil sa pag aakala at pang huhusga niya sa akin tungkol sa pakikipag kita sa ibang lalaki habang nandito kami sa Cebu, samantalang gumawa lang naman ako ng paraan para maka kain ako habang naririto kami sa lugar na ito dahil wala siyang balak na pakainin ako.
Binalik niya sa akin ang perang kinita ko na agad ko ring kinuha pabalik at iyon ang ginamit kong pang bili ng sariling pagkain ko sa dalawang araw na lumipas, palagi niya akong kasama sa mga meetings niya buong araw kaya naman talagang dumistansya ako sakanya sa abot ng aking makakaya. Nakaka pagod kayang makipag talo sa taong kagaya niya, yung tipong tamang hinala at husga sa kapwa ng wala namang tamang basehan.
Maaga akong gumising ngayong araw dahil kagabi palang ay nag bilin na ang amo kong si Lucifer the second na may ka meeting siya sa isang resort, at ayon sakanya ay doon na kami mag stay ng ilang araw pa bago kami tuluyang bumalik ng maynila.novelbin
Naligo at magbihis agad ako ng magising dahil nasisiguro kong kapag lumabas siya sa kuwarto niya, ay agad siyang mag aayang umalis na kaya nga kagabi palang ay inayos ko na ang mga gamit ko. Nag suot lang ako ng nude color na square pants saka ko ipinares sa white v-neck blouse ko paired with black sandals na palagi kong suot na sa ukay-ukay ko pa nabili.
Ilang sandali lang matapos kong mag ayos at mag hintay sa paglabas ni sir Craige ay tuluyan na nga siyang lumabas sa kuwarto niya, napa tunghay na ako sakanya dahil napansin ko nga ang paglabas niya mula sa silid ng biglang mapa second look ulit ako sakanya, nakasuot siya ng black board short, white v-neck shirt na talagang hapit na hapit sa katawan niya at simpleng top sider shoes, at kung talagang minamalas nga naman ako parehas pa kami mg kulay damit dalawa. "Done checking on me?!" walang buhay niyang untag sa akin dahilan para maputol ang hindi ko napansing pag titig sakanya ng ilang sandali
"Alam mo sir Craige gwapo ka sana, mayabang ka nga lang," untag ko sabay irap sakanya
"Get my things on my room, then follow me on the elevator, ang dami mong sinasabi!" inis niyang untag sa akin sabay martsa palabas ng hotel room na tinutuluyan namin
Totoo naman gwapo sana siya kaya lang ay mayabang, kaya imbis na kagusto gusto ang gaya niya eh isusuka ang ugaling meron siya. Napatitig ako sakanya kanina ng lumabas siya ng kuwarto dahil talaga namang kapansin pansin ang itsura niya, atsaka isa pa ngayon ko lang siya nakita sa ganoong pananamit, kaya naman naninibago lang ako.
Kinuha ko ang malaki niyang maleta sa kuwarto at pagtapos ay saka ko sinukbit sa balikat ko ang malaki kong bag pack kung saan nakalagay ang mga gamit ko bago tuluyang sumunod kay sir Craige, busangot ang mukha niya ng makalapit ako sakanya, yung mukhang akala mo kaaway ang buong mundo. Gwapo nga talaga sana siya, kaya lang ay parang hindi tao kung magpa kita emosyon.
Tahimik kaming sumakay ng elevator ng biglaan nalang may isang bell boy ang tumabi sa akin sa loob at nag offer ng tulong para sa mga dala kong maleta at ang bag pack ko.
"Mam mukhang nahihirapan po kayo, tulungan ko na po kayo," naka ngiting untag nito sa akin
"Salamat nalang po paalis na rin naman kami kaya kaya ko na," magiliw kong tugon sakanya
"Sayang ang ganda mo Mam kung napapagod lang po kayo," sambit ulit ng bell boy na hindi at ramdam ang presensiya ng amo kong sa mga oras na ito ay mas masama ang tingin sa akin. Ako, si sir Craige at ang bell boy lang kasi ang lulan ng elevator sa mga oras na ito.
"Why won't you do you're work and stop flirting with the guest!" galit na usal ni sir Craige habang masama ang tingin sa lalaki, na tanging pag yuko lang ang tinugon at agad ring lumabas ng elevator ng huminto ito sa palapag kung saan siya tutungo
"Hindi mo dapat ginanon yung tao sir Craige, nag offer lang naman ng tulong!" inis kong untag sakanya ng makalabas kami ng elevator
"Why would I not? Gusto mong nakikipag harutan habang nagta trabaho!" inis niyang sambit sabay suot ng aviators na kanina lang ay hawak niya.
"Tingin mo ba talaga sa akin sir malanding babae at lahat nalang ng lalaking lalapit sa akin ay papatulan ko? Sir wala ng papatol sa akin dahil may anak na ako, at isa pa walang magkaka gusto sa babaeng gaya kong literal na may bagahe sa buhay, kaya pwede ba sir itigil mo ang kakahusga sa akin ng ganyan nakaka ubos ka ng pasensya!" inis kong untag bago mabilis na nag martsa palayo sakanya
Hinatid kami ng service ng hotel papunta sa resort kung saan may ka meeting daw ang amo kong judgemental tumagal ang biyabe ng dalawang oras mahigit, at sa loob ng dalawang oras na biyahe ay hindi ko talaga kinausap si sir Craige na wala din namang kibo hanggang sa makarating kami sa resort.
Just a heads up: is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
Sinalubong kami ng napaka ganda at napaka aliwalas na lugar kung saan nakaka relax sa mga mata ang pakiramdam, agad na nag tungo si sir Craige sa tanggapan ng resort kung saan may sumalubong agad sakanya ng pakikipag kamay na sa tingin ko ay mag asawa base na rin sa pagkaka kapit ng ginang sa lalaki.
"I'm glad you came Mr. Aldomar," dinig kong untag ng matandang lalaki na sa tingin ko ay ang business partner niya.
"I'll told you darating ako," tugon ni sir Craige na agad ring nakipag kamay pabalik
"This must be you're girlfriend hijo," untag ng ginang na siyang kinagulat ko dahil sa akin nakatuon ang mga tingin niya
Ako girlfriend ng damuhong ito? Tsk, magugunaw ang mundo kung sakali mang mangyari iyon. Hindi nga ako kilala ng lubusan hinuhusgahan na ako, kaya imposibleng magustuhan ako ng lalaking ito.
"Magandang umaga po mam, sir magandang umaga po, yaya po ako ni Mr. Aldomar hindi po girlfriend," naka ngiti kong tugon sa mag asawa sabay lahad rin ng mga kamay sakanila
"Oh my bad hija I'm sorry akala ko kasi, you two seems look good in my eyes kaya nasabi ko iyon," tugon naman ng ginang sa sinabi ko
"I don't do girlfriends Madame, at alam ni Mr. Tanaco iyan," seryosong untag ni sir Craige sabay tapon ng masamang tingin sa akin
"Hindi na tayo pabata Craige find someone who can take care of you, you've been alone for almost a year kaya hindi pwedeng ganyan palagi. Magpahinga muna kayo sandali alam kong pagod kayo, magpapa handa ako ng pagkain sa resto para sayo at sa yaya mo, alam kong napagod kayo sa biyahe, " untag ng lalaki kay sir Craige sabay giya sa amin pa tungo sa isang staff ng hotel na maghahatid sa amin sa kuwartong tutuluyan namin.
"Hindi ko nagustuhan ang isinagot mo kaninang babae ka!" usal bigl ni sir Craige ng papunta na kami sa tutuluyan naming silid dalawa
Naka kunot ang noo kong tumingin sakanya
"Alin sir na yaya mo ako? ayos naman yung sinabi ko ah, kaysa naman isipin nilang girlfriend mo ako, eh sukang suka ka nga sa akin," natatawa kong untag
Ramdam kong naiinis na ang amo ko pero wala akong planong tumigil sa pang iinis sakanya, hindi pwedeng ako lang palagi ang maiinis sa aming dalawa, dapat siya rin dahil hindi pwedeng gaganunin niya ako palagi.
Sa isang malaking kuwarto lang ulit kami tutuloy ng magkasama ni sir Craige, at gaya ng set up namin noon sa Hotel sa living room ulit ako at ang couch ang magiging higaan ko habang narito kami sa resort.
"Sa susunod na mapahiya ako ng dahil sayo, babayaran mo ang lahat ng utang na meron ka sa akin!" inis niyang untag habang iginagala ang paningin sa kabuuan ng silid namin
"Kahit hindi kita ipahiya sir kung may ibabayad lang ako sayo binayaran na agad kita, saka hindi pamamahiya ang tawag sa pagsasabi ng totoo sir, yaya mo ako dahil halos inalila mo ako ng sobra hanggang dito sa lugar na ito," untag ko Kita ko ang iritasyon sa mga mata ni sir Craige sa mga oras na ito, pero mas pinili kong ituon nalang ang sarili sa pag tipa ng text kay Aling Choleng para kamustahin ang anak ko "Sumunod ka sa resto nitong resort, we'll have lunch with Mr. Tanaco and his wife," walang buhay niyang sabi
"Tawagan niyo nalang ako sir kung may kailangan kayo sa akin, may pagkain akong sarili sir saka isa pa siguradong dagdag utang na naman iyon." usal ko sabay talikod sakanya para dalhin sa kuwarto ang maleta niya.
Alam kong masasarap ang pagkain sa lugar na ito lalo na ang mga seafoods, kaya lang ay bukod sa baka dagdag utang na naman iyon, ramdam kong hindi kami magiging komportable ni sir Craige sa isa't isa, baka ipahiya niya lang din na naman ako gaya ng palagi niyang ginagawa.
"Tsk!" tanging naging sambit niya bago tuluyang lumabas muli ng kuwarto kung saan kami mananatili ilang araw dalawa.
Ang hirap pakisamahan ni sir Craige!