Chapter 14: Kiss
Aleighn's POV
Bakit sa dami ng customer na ma pupunta sa akin ay si sir Craige pa! Nasira niya tuloy ang diskarte ko, nilakasan ko na nga ang loob ko kahit ayoko naman maging call girl, kaya lang gusto ko na talaga maipa gamot ang anak kong si Ravi Walang ina ang gugustuhing makitang nahihirapan ang anak kaya hangga't maaari nagawa ako ng paraan, panira lang itong si sir Craige at sa dami ng taong pwedeng maging customer ko siya pa
Siya na wala ng ibang ginawa kundi laitin at kwestyunin ang pagiging single mom ko, palibhasa hindi niya danas ang buhay na meron ang mga tulad ko
Mas pinili ko nalang ang umuwi matapos ang tagpo naming dalawa ni sir Craige sa VIP room, hindi ko tuloy alam kung magta trabaho pa rin ako sakanya bilang katulong dahil sa nangyaring ito
Pero alam ko naman sa sarili kong mahirap maghanap ng trabaho sa panahon ngayon kaya lukunukin ko lahat ng hiya na meron ako para lang sa trabaho, kailangan ko ng pera kaya hindi ako pwedeng sumuko nalang ng basta
Pag uwi ko sa bahay ni Aling Choleng ay tulog na silang dalawa ng anak kong si Ravi kaya tahimik lang ang bawat pag kilos ko sa tabi ng anak ko, pinaka tiitgan ko ang anak ko para kumuha pa ng mas maraming tapang na harapin ang buhay Kailangan maging mamatag ako dahil kailangan ako ng anak ko, hindi rin naman ibibigay sa akin ng diyos ang mga pag subok na kinaka harap ko sa ngayon kung hindi ko ito makakaya. Hinalikan ko ang anak ko bago nahiga sa tabi niya hanggang sa nakatulog na rin ako
Kinabukasan bitbit ang kaunting tapang na nasa dibdib ko, pinili ko paring pumasok sa trabaho bilang katulong ng napaka bait kong amo na si sir Craige Aldomar
Gusto ko sanang alagaan lang ngayon si Ravi dahil pansin kong matamlay siya kanina ng gumising, pero sabi naman ni aling Choleng sa akin na siya nalang ang bahala kaya wag akong mag alala sa anak ko
Tahimik ang buong mansion ng pumasok ako, at gaya ng nakasayanan ko sa tuwing darating ako dito sa umaga, almusal ni sir Craige ang una kong inaasikaso nagluto lang ako ng very common na almusal tuwing umaga scrambled egg, bacon at fried rice
Ilang saglit lang matapos kong maghanda ay bumaba na si sir Craige mula sa kuwarto niya na naka bihis pang opisina na
Nagtagpo ang mga tingin namin ng maupo siya sa palagi niyang puwesto tuwing umaga, agad akong umiwas dahil natuto na ako pagdating sakanya lalo na kapag tumitingin siya sa akin, alam kong panlalait na ang susunod na maririnig ko mula sakanya
"Bakit mo ako tinakbuhan kagabi? Humanap ka ng ibang lalaking magbabayad sayo?!" biglang tanong niya sa akin ng ilapag ko ang kape niya
"Eto po ang kape niyo sir," tanging naging sagot ko
Hindi ko sinagot ang sinabi niya, bahala siyang isipin ang kung ano tungkol sa akinnovelbin
"Why to find another customer kung nandoon naman na ako para bayaran yung serbisyo mo," mayabang niyang untag sabay simsim sa kape
Sige lang magsalita ka lang dyan, wala akong panahon na makipag talo sayo ngayon
Buti nalang hindi niya na sinundan pa ang huli niyang sinabi at kumain nalang ng maayos. Mabilis siyang natapos kumain at agad na tumayo mula sa pagkaka upo sa hapag, kaya agad kong nilinis ang mga pinag kainan niya Abala ako paghuhugas ng maramdaman kong may taonng naka tayo mula sa likuran ako, na malamang ay si sir Craige dahil kami lang naman dalawa ang nasa malaking mansion na ito
Just a heads up: is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
Humarap ako sakanya para sana tanungin kung may kailangan siya, pero saktang pag ikot ko paharap sakanya ay bumangga ako sa matitigas niyang dibdib at ng tingalain ko siya para tignan ay bakas sa mga mata niya ang pagka inis "Sir bakit po?" kalmado kong tanong sakanya, pero sa totoo lang kinakabahan ako gayong magka dikit talaga ang mga katawan naming dalawa
"Bakit kapag kinakausap kita dito sa bahay ko halos hindi ka sumasagot, pero kapag nasa bar kana ang tapang tapang mo huh!" inis niyang sabi
Mukhang nagalit sa akin dahil hindi ako nakibo sa kahit anong sinasabi niya kanina
"Amo ko ho kayo dito at customer kayo sa bar kaya po ganon," sambit ko sabay akmang aalis sana sa harapan niya pero hinawakan niya ako sa dalawang braso ko
"I'm done with you're f*cking bullsh*t excuses woman, nasagad mo na ang pasensya ko kaya dapat sa mga gaya mo pinag babayad ng kasalanan!" galit niyang sabi habang masama talaga ang tingin sa akin
"Nasasaktan po ako sir," untag ko sabay pilit na binabawi ang mga braso kong hawak niya
"I don't care tutal nagpapa bayad kana rin naman pala ngayon sa ibang lalaki, bakit hindi kaya kung tikmanrin kita ano?" natatawa niyang tanong habang naka ngisi
"Alam kong hindi mo yan gagawin sir kasi ayaw mo sa mga tulad kong single mom, kaya bitawan niyo na po ako dahil nasasaktan ako," matapang kong sagot sakanya
Pero mukhang balewala sakanya ang sinabi ko dahil bigla niya nalang akong hinila ng mas palapit pa sakanya, hindi pa man ako nakakapag react dahil sa ginawa niya bigla nalang niya akong hinalikan sa leeg paitaas sa ilalim ng tenga ko hanggang mahalikan niya ang labi ko
Just a heads up: is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
Nanghihina ang tuhod ko ng dahil sa ginawa ni sir Craige, hindi man lang ako naka alpas dahil mahigpit ang mga kapit niya sa palapusuhan ko. Tanging pag iyak nga tahimik lang ang nagawa ko dahilan para bitawan ako no sir Craige "Hindi bagay sayo ang pag iinarte mo, wag kang umakto bilang malinis na babae!" untag niya ng bitawan ako
Nakayuko lang ako at hindi kumikibo, pinipigilan ang mga luha dahil bakakapag umiyak ako sa harapan ng lalaking ito lalo niya pa akong laitin
Hindi ko siya maintindihan kung bakit galit siya sa akin, o sadyang ayaw niya lang talaga sa mga gaya kong single mother
Nakalimutan ko, kilala nga pala ang taong tulad niya bilang masama ang ugali, kaya rin walang tumatagal na katulong sakanya dahil lahat ng namasukan sakanya ay nilalait niya ang pagkatao
Kung hindi lang dahil sa mataas na pasahod niya ay hindi ako magtitiis sa masama niyang ugali, pero. Dahil sa ginawa niya sa akin ngayon dapat na talaga siguro akong umalis. Sigurado naman akong may mahahanap pa akong ibang trabaho Handa na sana akong magsalita at sabihin sakanya na magre resign na ako ng biglang magsalita rin siya
"Maghanda ka ng hapunan mamaya para sa mga kaibigan ko at siguraduhin mong maayos ang trabaho mo, dahil kung hindi, hindi lang halik ang dadanasin mo sa akin!" pabulyaw niya sabi bago ako tuluyang iwan dito sa kusina
Noong unang pasok ko sa mansion niya sabi ko sa sarili ko pakikisamahan ko siya dahil kailangan ko ng trabaho at malaki ang pa sweldo niya at isa pa gusto kong tulungan siyang ayusin ang ugali niyang masama, pero sa tingin ko ang mga tulad niya ay wala ng pag asa
Gagawin ko lang ang utos niya para sa mga kaibigan niya, pagtapos non hindi na ako babalik dito para pa mag trabaho. Hindi ko isusugal ang sarili ko sa pagta trabaho kasama ang tulad niya, kung palagi lang akong lalaitin at babastusin Hindi tao ang gaya ni Craige Aldomar, wala siyang puso para sa kapwa niya