Chapter 11: Bad Attitude
Aleighn's POV
Umalis ako sa kompanya ni sir Craige na walang ibang napala kundi sakit sa paa at pagka bwisit sakanya
Bakit niya ako pinapunta kung wala din naman siya doon, dapat lang naman na kunin ko ang sweldo ko sakanya dahil pinag trabahuhan ko ang pera na iyon, tapos ayaw niyang ibigay ng maayos. Naturingang mayaman hindi marunong magbayad ng maayos sa mga taong naninilbihan sakanya, masama nga talaga ang ugali niya
Ayoko pa naman sanang tawagin siyang masama ang ugali at matapobre gayong hindi ko alam ang istorya ng buhay niya, pero dahil sa ginawa niya ngayong araw sa akin ay hindi ko maiwasang iispin na masama talaga ang ugali niya Sa halip na umuwi ako sa bahay ni Aling Choleng at alagaan ang anak ko bago ulit pumasok sa bar ay hindi ko muna ginawa, sigurado akong naka abang na ang kalbong si Raul sa akin. Segurista ang lintik na yon, basta pera mabilis pa sa mabilis ang kalbong iyon
Minabuti kong sa bar nalang muna dumiretso, tinawagan ko nalang muna si Aling Choleng para sabihing hindi ako agad makaka uwi, kinamusta ko na rin muna ang anak ko saka pinaliwanag sakanyang may trabaho akong kailangan gawin, pasalamat talaga ako dahil laging nakaka unawa ang anak kong si Ravi
"Aga natin ah, may liwanag pa sa labas nandito kana?" salubong na tanong sa akin ni Andrea
"May aabangan ako dito, saka kailangan ko ng pera ngayon Andeng kaya kailangan doble kayod" sagot ko sabay upo sa katabi niyang bar stool
Totoo naman na ang aga ko ngayong dumating sa bar, alas diyes pa ng gabi ang pasok ko pero ala sais palang ay nandito na ako. Madadala ko naman sana sa pakiusap si Raul pagdating sa utang ko, kaya lang kung hindi na naman tutubo ng dalawang libo ay paandaran ako ng loko sa mga kamanyakan niya, kaya wag nalang
Sinabi ko kay Andrea na tutulong ako sa pag bubukas ng bar ngayong gabi, pumayag naman siya at sinabing may dagdag akong bayad para sa pag tulong. Kanang kamay na rin kasi si Andrea ng bar na pinag pasukan niya sa akin kaya kahit paano ay nakakapag desisyon siya
Hindi ko namalayan ang pag andar ng oras, unti unting dumami ang mga customer hanggang sa mapuno na naman ang lugar para sa mga customers
"Girl nandoon na yung boss mo, nakita ko may kahalikan na babae" si Liza habang nakuha ng mga orders sakanya
"Sure ka bang siya iyon?" tanong ko
"Aba oo te, kilala ng lahat ang poging nilalang na iyon!" pasigaw niyang sagot sabay ikot ng mga mata
"Pero masama ang ugali!" pairap ko namang sagot
"Pero gwapo aminin mo, makalaglag panty ang dating" natatawang sambit niya pa
Ewan ba sa babaeng ito lahat nalang ata ng lalaki para sakanya ay gwapo
"Yang bibig mo talaga malisyosa Liza, puntahan ko na ng makuha ko ang sweldo ko sakanya" untag ko habang isa isang nilalagay ang mga inuming order sa akin
"Hindi kaba na attract sakanya? Swerte mo siya ang amo mo" pahabol niya pang untag
"Oo gwapo siya Liza, pero masama ang ugali niya. Hindi ako ang swerte kundi siya, kasi ako palang ang katulong na tumagal sa ugaling meron siya, magtrabaho na nga tayo" sambit ko saka tuluyang tinalikuran si Liza Hinatid ko muna isa isa sa kanyang lamesa ang mga alak na order sa akin bago nag tungo sa VIP seat na laging puwesto ni sir Craige at ng mga kaibigan niya
Karamihan sakanilang lahat ngayon ay mga lalaki lang at tanging siya lang ang may babaeng kasama, na mukha atang nangudngod ang nguso dahil sa sobrang pula
Hindi niya pa ako napapansin dahil busy pa sila mag lampungan ng babaeng kasama niya
"Miss one whiskey please" untag ng isang lalaking nakapansin sa akin habang naka taas ang kamaynovelbin
Hindi naman sana ako kukuha ng orders sa puwesto nila, pero dahil nandito na ako sundin ko nalang muna. Busy pa yung amo kong masama ang ugali eh "Aleighn you're here" untag ng isang lalaki
Lalapitan ko na sana ang lalaking nag order sa akin para tanungin kung may gusto pa siyang idagdag ng may magbanggit ng pangalan ko, kaya naman agad ko itong nilingon "Uy sir Dave ikaw pala" naka ngiti kong sambit sakanya
"Yeah, I told you pupunta ako ngayong gabi dito" sambit niya sabay kindat sa akin
"Bro, Aleighn is here she's looking for you" malakas nitong untag ni sir Dave habang nakatingin sa puwesto ni sir Craige dahilan para matigil sila sa paghahalikan ng babaeng kasama niya Sinamaan ako ng tingin ng babaeng kalampungan niya ng biglang tumayo si sir Craige, nabitin ata ang loka
"What do you need from me?!" iritableng tanong ng napaka bait kong boss ng makalapit sa gawi ko
"Yung sweldo ko delay na, naturingan kang mayaman tamad ka magbayad" walang emosyon kong sabi sabay sahod ng palad ko
Just a heads up: is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
Susungitan niya ako akala niya hindi ko siya papatulan
Amo ko siya sa loob ng bahay niya, customer naman siya dito sa bar pero hindi ko siya boss dito, kaya kung papakitaan niya ako ng ugali niyang hindi maganda ay papatulan ko siya, aasarin ko pa nga siya lalo
"Hindi kaba makapag hintay at talagang dito mo pa kinukuha? I really can't believe you, sobra ba ang pangangailangan mo sa buhay?" mataas na boses niyang sabi
Tumaas ang kilay ko dahil sa sinabi niya kaya naman, naka pamaywang akong tumawa sa harap niya saka nagsalita
"Araw ng sweldo ko ngayon sa inyo Mr. Aldomar, pinapunta niyo ako sa opisna mo para doon kunin pero wala ka naman, oo may pangangailangn ako kaya hanggang dito ay kukunin ko sayo. Hello pinag trabahuhan ko naman iyon kaya bakit hindi ko kukunin aber?!" inis ko ding tugon sakanya
Kunot ang noo niya at salubong ang kilay habang nakatingin sa akin, kaya naman sinaman ko rin siya ng tingin
"Kailangan mo kasi hampaslupa ka?!" untag niya na may kasamang pang iinsulto
Nakaka init ng ulo ang lalaking ito
"Kailangan ko dahil para yan sa anak ko, bakit ba ang dami mong sinasabi sir Craige? Naturingan kang mayaman ayaw mong magbayad ng maayos, sira ba ang ulo mo?!" pabulyaw kong sagot sakanya "Woah palaban ang isang to" untag ng isang lalaki sa gilid ko
"Bro just give Aleighn's salary" untag din ni sir Dave
"Shut up Dave!" sambit niya dito sabay tingin ng masama
"Bakit ba kayong mahihirap mga mukhang pera!" sambit niya pa habang may dinudukot sa bulsa
"Bakit ikaw kayang mayaman masama ang ugali!" tugon ko, kala niya hindi ko siya papatulan pwes nagkakamali siya
"What did you say?!" inis niyang sambit
Lalo siyang nagalit alam ko iyon, sabihan ko ba naman ng masama ang ugali eh
"You want you're salary right?" tanong niya habang pangisi ngisi pa
Just a heads up: is the only place to read the complete version of this book for free. Don't miss out on the next chapter-visit us now and continue your journey!
Sasagot na sana ako sa tanong niya ng bigla niyang ihagis sa mukha ko ang lilibuhing pera
Nanlaki halos ang mata ko dahil sa ginawa niya, sigurado akong pinag titinginan na ako ng ibang tao dito sa bar na malapit lang sa kinaroroonan namin
"Mukha kang pera diba, edi pulutin mo sa sahig babaeng disgrasyada!" nakangisi niyang sabi
"Bro that's too much, hindi makatao yang ginawa mo!" sambit ni sir Dave sabay pulot ng mga pera
"I don't f*cking care Dave!" sagot niya
Halos hindi ako makagalaw dahil sa inasal at ginawa ni sir Craige, pero kailangan kong ipakita sakanya na hindi ako apektado sa ginawa niya
Akmang luluhod ako para pulutin isa isa ang pera ng pigilan ako ni sir Dave
"Wag na Aleighn, pinulot ko na lahat!" inis niyang untag habang naka tingin ng masama kay sir Craige
"Thank you sir" untag ko ng iaabot niya sa akin ang mga pera
Himinga ako mg malalim bago hinarap ulit si sir Craige
"Pinag paguran ko naman ang pera na ito sir kaya kinukuha ko sayo, kung hindi pinulot ni sir Dave ako ang pupulot kahit magmukha akong kahiya hiya sa harap ng ibang tao. Mahirap lang ako sir, pero hindi ganyan kasama ang ugali ko kumpara sa ugaling meron ka! Nagta trabaho ako sayo kahit nakaka suka yang ugali mo dahil sa mataas mong pa sweldo, kailangan ko kasi para sa anak kong may sakit, ma swerte ka dahil mayaman ka, kasi kung hindi baka masahol pa ang maranasan mo gaya ng ginawa mo sa akin ngayon!" untag ko sa pinaka kalmadong tono
Nakipag sukatan pa ako sakanya ng masamang tingin bago tuluyang nag martsa paalis sa harapan niya
May tao palang gaya niya, mayaman nga kulang naman sa magandang asal
Kung hindi lang pinulot ni sir Dave ang perang hinagis niya ako mismo ang pupulot, kahit magmukha pa akong kahiya hiya sa mata ng ibang tao para sa anak ko iyon eh, kaya gagawin ko
Konting tiis lang aalis rin ako pagiging katulong niya, sa ngayon tiis tiis muna
Titiisin ko muna ang masamang ugali ng isang Craige Aldomar