Kabanata 88
Kabanata 88
Pagkatapos niyang sabihin ito, pakiramdam niya ay para bang nagyelo ang hangin sa paligid nila.
Tumayo si Jeremy sa ibabaw ng babae. "Anong sabi mo? Ulitin mo ang sinabi mo."
"Mag-divorce na tayo." Ulit ni Madeline nang walang pag-aalinlangan. Malinaw ang tatlong salita na
iyon.
Nanahimik muli ang paligid. Pagkatapos ng ilang segundo, narinig ni Madeline si Jeremy na suminghal.
Ang kanyang mga mata ay parang kay Satanas. Madilim ito at para bang lalamunin siya nito.
"Divorce? 'Wag ka nang umasa!"
Ang mga malalamig at tagos-butong salitang iyon ay lumabas mula sa kanyang mapang-akit na labi.
"Hindi ba napakadesperado mo na maging akin? Tutuparin ko ang hiling mo."
Nararamdaman ni Madeline na nagugunaw ang kanyang sarili habang nakatingin sa kanyang malagim
na ngiti.
"Hindi ko kailangang tuparin mo ang aking hiling! Jeremy Whitman, gusto na kitang hiwalayan!"
"Managinip ka na lang." Walang awa siyang tinanggihan ni Jeremy. Pagkatapos ay kinurot niya ang
panga ni Madeline. "Gusto mo akong hiwalayan dahil meron ka nang ibang lalaki? Madeline, gaano ba
kakapal ang mukha mo?"
'Madeline, gaano ba kakapal ang mukha mo?'
Napakalinaw ng kanyang mga insulto. Mas naging malagim ang kanyang mga mata kumpara kanina.
"Ang sabi mo ipinagbubuntis mo ang anak ko tatlong taon na ang nakakalipas at sinisi mo ako sa
kamatayan ng bata. Ngayon, naisip ko na baka buntis ka sa isang bastardo noon! Lalo na marami kang
customers. Mayroon ka ngang Daniel at Tanner. Napapaisip nga ako kung kilala mo pa nga kung sino
ang ama ng bata!"
Pinipigilan ni Madeline ang kanyang emosyon sa abot ng kanyang makakaya, pero ngayon ay
nagsimula itong magunaw.
Nanginginig nang matindi ang kanyang mga kamay. Pakiramdam niya ay para bang tinaga ang
kanyang puso. Napakasakit nito.
Nagngitngit ang kanyang ngipin habang ang kanyang mapupulang mga mata ay nakatingin sa lalaking
nangmamaliit sa kanya.
"Hmph."
Suminghal si Jeremy bago siya tinignan nang may pagkamuhi. Pagkatapos ay naglalakad siya
papalayo.
"Huwag mong subukang magmukhang kawawa sa harapan ko. Ang isang babaeng katulad mo ay
nararapat na binubugbog hanggang sa mamatay sa loob ng kulungan."
Pinanood ni Madeline si Jeremy na maglakad papalayo. Pagkatapos niyang marinig ang kanyang
sinabi, hindi na niya napigilan ang kanyang nararamdaman sa kanyang lalamunan. Sumuka na naman
siya ng dugo.
Parang nasusunog pa rin ang kanyang sikmura. Sumasakit rin ang kanyang tumor. Marahang
namaluktot ang nananakit na katawan ni Madeline at mahigpit na hinawakan ang kobrekama.
Naroon pa rin ang amoy ni Jeremy sa unan. Para ba itong isang napakatinding lason na unti-unting
lumalason sa puso ni Madeline.
Akala niya ay magkakaroon siya ng hindi malilimutang kwento ng pag-ibig pagkatapos niyang makilala
si Jeremy.
Subalit, ang tanging binigay niya lang sa kanya ay di malilimutang sakit.
…
Buong araw na nanatili si Madeline sa kama at walang nakapansin.
Hinanap niya ang dahilan kung bakit siya sumuka ng dugo. Maaaring dahil ito sa acute gastric mucosal
lesions. Kinaladkad niya ang kanyang pagod na katawan at bumili ng gamot para sa kanyang sarili.
Hindi siya nagtangkang pumunta sa ospital. Natatakot siya na baka may matagpuan na naman silang
masama.
Kung mangyari man ang mangyayari, mayroon pa rin siyang ilang buwan para mabuhay.
Natuwa si Madeline na hindi pala ito araw ng kanyang pasok. Pinalitan niya ang kobre kama at
hinugasan ang dugo na kanyang sinuka. Pagkatapos ay nag-impake siya ng ilang piraso ng damit
bago pumunta sa bahay ni Ava.
Normal na bumalik si Madeline sa trabaho nang Lunes. Siguro dahil sa kanyang koneksyon kay Felipe,
maganda ang trato sa kanya ng kanyang mga katrabaho maliban kay Elizabeth. Palagi siyang may
kakaibang kinikilos at matinding pagbabago-bago ng emosyon.
Nang oras na para sa tanghalian, ginamit niya ang ilan sa kanyang oras para ibalik ang damit ni Felipe.
Nagkataon ay nasa loob siya ng kanyang opisina at may kausap siya sa telepono.
Gusto nang umalis ni Madeline pagkatapos niyang ilapag ang mga damit. Subalit, sinenyasan siya ni
Felipe na umupo at maghintay.
Mabilis niyang tinapos ang tawag at binigay ni Madeline ang mga bagong plantsang damit sa kanya. noveldrama
Ngumiti si Felipe. "Hindi ko inaasahan na lalabhan mo pala talaga 'to."
"Kailangan kong tuparin ang aking pangako. At saka natapunan ka lang naman ng kape ni Meredith
nang dahil sa akin."
"Bilang isang lalaki, paano ko magagawang panoorin ang isang babae na sinasaktan at tumunganga
na lamang?"
Uminit ang puso ni Madeline sa sagot ni Felipe. Pagkatapos, naalala niya ang lalaki na nangako sa
kanya na poprotektahan siya habang buhay. Kumirot ang kanyang puso.